Isinagawa ang Program Launching at Municipal Orientation ng Department of Social Welfare and Development Field Office 3 – Central Luzon sa pamamagitan ng Kapit Bisig Laban Sa Kahirapan, Comprehensive and Integrated Delivery of Social Service Kapangyarihan at Kaunlaran Sa Barangay (KALAHI-CIDSS KKB) sa Quezon, Nueva Ecija. 

 

Isa ang Munisipyo ng Quezon sa nabigyan ng pagkakataon na mapasama sa Phase 2 ng KALAHI-CIDSS KKB.

 

Sa pangunguna ni DSWD Regional Director Venus F. Rebuldela dinaluhan ito ng Assistant Regional Director for Operations Armont C. Pecina, Promotive Services Division Division Chief Melanie M. Barnachea,  katuwang ang Munisipalidad ng Quezon, Nueva Ecija sa pangunguna ni Municipal Mayor Mariano Cristino N. Joson sa pamamagitan nina Sangguniang Bayan member Winchino F. Capalungan at  Municipal Social Welfare Development Officer Avelina R. Dela Cruz, mga kawani ng Local Government Unit, at ang 16 barangays.

 

Kasama sa aktibidad ang Memorandum of Agreement Signing, pagbibigay ng Orientation sa mga barangay, at pagbibigay ng suporta sa stratehiya ng KALAHI-CIDSS na CDD sa pamamagitan ng pagpirma sa Pledge of Commitment.

 

 

Nagbigay din ng inspirational message at pasasalamat si ARDO Armont C. Pecina, “Ang pag-aabot kamay ng National Government at LGU ay nagpapahayag ng simbolikong pagpapahayag ng malinaw na ugnayan. Nandito kami bilang guide post kung saan pwede kami makatulong at gumabay sa lokal na pamahalaan para makatulong sa pamayanan. And through this mechanism we can make a difference sa ating pamayanan. Marami pong salamat. “

 

Ang KALAHI-CIDSS KKB ay gumagamit ng stratehiya na Community Driven Development (CDD) na naglalayon na bigyang pagkakataon ang mga komunidad na magdesisyon, magplano, at magbigay priyoridad ng mga problema sa barangay na patunay sa pagkakaroon ng pagbabago at kaunlaran sa kanilang mga komunidad. ###