Sa pangalawang pagkakataon  idinaos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay (KALAHI-CIDSS KKB) ang Program Launching at Municipal Orientation sa Munisipalidad ng Licab, Nueva Ecija. Hinighlight sa aktibidad ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing, Pagbibigay ng Orientation sa programa, at pagbibigay ng suporta sa stratehiya ng KALAHI-CIDSS na CDD.

Sa pangunguna ni DSWD Regional Director Venus F. Rebuldela dinaluhan ito ng Office of the Assistant Director for Operations Social Welfare Officer III Beatrice Marie A. Bondoc, Regional Program Coordinator ng KALAHI-CIDSS, Aladin L. Naje, katuwang ang Munisipalidad ng Licab, Nueva Ecija sa pangunguna ni Municipal Mayor Eufemia D. Domingo, Municipal Vice Mayor Oliver V. Villaroman, mga kawani ng Local Government Unit, at ang 11 barangays.

Bilang panimula ng proseso inaasaahan na magcoconduct ng barangay meeting ngayong buwan ang 11 barangays para at pagplanuhan at pagusapan kung ano ang ipprioriotize na proyekto. Ang KALAHI-CIDSS KKB ay gumagamit ng stratehiya na Community Driven Development (CDD) na naglalayon na bigyang pagkakataon ang mga komunidad na magdesisyon, magplano, at magbigay priyoridad ng mga problema sa barangay na patunay sa pagkakaroon ng pagbabago at kaunlaran sa kanilang mga komunidad

image_pdfimage_print