DSWD Field Office 3 – Central Luzon , pormal na inilunsad ang Tara, Basa! Tutoring Program (TBTP) na ginanap sa Bulacan State University, Malolos, Bulacan.

Personal na dinaluhan ni  Usec. Eduardo Punay kasama si DSWD Field Office 3 – Central Luzon Director Venus F. Rebuldela ang Grand Launching ng TBTP sa probinsya. Kasabay din nito ang paglagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng DSWD, Lalawigan ng Bulacan, Lungsod ng Malolos at San Jose del Monte, Bulacan State University, Bulacan Polytechnic College, at City College of San Jose del Monte, na sinaksihan ng mga kinatawan mula sa  Department of Education (DepEd) Region 3.

Sa mensahe ni Usec. Punay, saad niya na “Hindi po tayo papayag na ang mga kabataan dito sa bayan ng makakata ay hirap magbasa.” 

Sa pangwakas na mensahe ni Dir. Rebuldela, kanyang binigyang diin na “Tunay na magiging maganda ang outcome ng programang ito kung lahat tayo ay magbubuklod-buklod at sama-sama tungo sa isang  adhikain para sa Bagong Pilipinas.”

Target ng TBTP na matulungan ang  1,583 mag-aaral sa kolehiyo. 1,319 bilang mga tutor at 264 bilang mga Youth Development Workers (YDW) ang makakatanggap ng reformatted education assistant na Cash-for-Work program. 

Ayon sa datos mula sa DepEed, tinatayang 13,188 ang mga batang nahihirapan o hindi kayang magbasa ang tututukan sa loob ng 20 tutoring sessions. Kaakibat nito ang pagkakaroon ng parenting session ang mga YDW sa mga Nanay-Tatay Teacher upang magtuloy-tuloy ang progreso sa pagbabasa  ng mga mag-aaral. ###

image_pdfimage_print