Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang pangunahing pambansang estratehiya upang basagin ang siklo ng kahirapan na naglalayong pataasin ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino simula ng taong 2007. Taong 2019 nang naisabatas ang RA 11310 o 4Ps Act. 

Ngayong taon inaasahang nasa 62,183 (Aurora – 1,697; Bataan – 3,794; Bulacan- 20,141; Nueva Ecija – 15, 175; Pampanga, 10,225; Tarlac – 9,510; Zambales – 1.,641) na mga sambahayan ang opisyal na magtatapos sa 4Ps sa Gitnang Luzon. 

Mensahe ni Regional Director Venus F. Rebuldela, “Ang tagumpay ninyo laban sa kahirapan ay tagumpay din namin sa kagawaran. Kayo ang patunay na hindi hadlang ang kahirapan upang magtagumpay sa buhay. Kayo ang testimonya ng inyong mga municipal links sa kanilang mabungang pagtatrabaho. Kayo at ang inyong mga pamilya ay patunay lamang na malayo ang mararating ng pangarap na may kasamang pagsisikap.” ###

 

image_pdfimage_print