Botolan, Zambales — Ngayong araw ginanap ang Bagong Pipinas Serbisyo Fair na naglalayong mailapit ang iba’t-ibang programa at serbisyo ng gobyerno sa mga residente ng Zambales.

Bilang parte nito, kalahok ang Department of Social Welfare and Development Field Office 3 – Central Luzon sa Serbisyo Fair upang maghatid ng financial assistance, sa tinatayang 21,000 na indibidwal mula ikalawang distrito (Botolan, Iba, San Narciso, Cabangan, San Felipe, Masinloc, Palauig, Candelaria, Sta. Cruz, San Antonio) ng Zambales at karagdagang 8,000 na residente naman mula sa unang distrito (Olongapo, Castillejos, Subic, at San Marcelino).

Ang mga benepisyaryo ay mula sa sektor ng mga magsasaka, kababaihan, mga mag-aaral, at iba pa. Gayundin, nakatanggap ang 13 benepisyaryo Sustainable Livelihood Program ng Seed Capital Fund na nagkakahalaga ng ₱195,000.00. Dagdag pa rito, handog ang material assistance na 10,000 family food packs para sa iba pang residente ng probinsya.

Dagdag ng Regional Director Venus F. Rebuldela “Hinahatid natin ang mga serbisyo ng DSWD sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair para ilapit sa lahat ng mga Zambaleño para sa maagap at mapagkalingang serbisyo na hatid ng mga angels in red vests Commitment ng DSWD ang paghahatid ng mga serbisyo; AICS, SLP, atbp programa tulad ng Supplemental Feeding Program na iniimplement ng kagawaran.” ###

image_pdfimage_print