Nagsagawa ng Mental Health and Psychosocial Support session ang social workers mula sa DSWD sa mga mangingisda at pamilya ng tatlong pumanaw na biktima ng insidente sa Bajo de Masinloc noong Oktubre 2, 2023 .

Nagbigay din ng dagdag ayuda ang DSWD sa pamamagitan ng Educational Assistance para sa kanilang mga anak na mag-aaral sa elementarya hanggang kolehiyo na umaabot na sa P90,000.00. Nasa proseso na rin sila ng paghahanda upang mapabilang sa programang pangkabuhayan ng DSWD o Sustainable Livelihood Program (SLP).

Pauna na rin nakapagpaabot ang Kagawaran ng Food Assistance sa halagang P5,000.00 bawat isa sa labing-apat na mangingisda, at dagdag na P10,000.00 burial assistance para sa pamilya ng tatlong pumanaw noong Oktubre.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa lokal na pamahalaan ng Subic sa pag monitor ng kalagayan at pagbibigay tulong sa pamilya ng mga apektadong mangingisda. ###

image_pdfimage_print