Bilang parte ng LAB for ALL na inisyatibo ni First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ang DSWD Region III ng 4,000 Family Food Packs at Php 6,000,000 na financial assistance na ginanap sa City of San Jose del Monte, Bulacan ngayong araw.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nakikiisa ang DSWD sa pagbibigay ng financial assistance na maaari nilang magamit panggastos sa iba pa nilang pangangailangan para sa kanilang kalusugan. Ang LAB for All ay naglalayong maghatid ng mahahalagang serbisyong pangkalusugan na mas madaling ma-access ng mga ordinaryong Pilipino.

Ang mga kinatawan mula sa Philhealth, Department of Health, Department of Interior and Local Government, Technical Education and Skills Development Authority at Department of Social Welfare and Development ay nagtutulungan sa pagbibigay ng mga serbisyo sa mga piling indibidwal mula sa serbisyong pangkalusugan hanggang sa tulong pinansyal at Family Food packs.

Dumalo rin sa aktibidad si Assistant Regional Director for Operations Venus Rebuldela, bilang kinatawan ni Regional Director Jonathan V. Dirain.

image_pdfimage_print