Subic, Zambales – Bilang paghahanda sa Barangay Development Planning, pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 3 sa pamamagitan ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) katuwang ang Department of Interior and Local Government (DILG) Region 3, at ang Local Government Academy (LGA) nagsagawa ng limang araw na regional training of trainers para sa Barangay Development Planning.

Ang pagsasanay na ito ay sumaklaw sa lahat ng walong (8) munisipalidad mula sa Region 3 na kabilang sa National Community Driven Development Program (NCDDP)  program na may 171 Barangay. Bahagi ito ng estratehiya para ma-institutionalize ang Community Driven Development sa lokal na pamahalaan.

Nilalayon ng aktibidad na bumuo at magsanay ng mga regional trainer na magiging responsable para sa pagsasagawa ng Municipal Roll-out ng Barangay Development Planning.

Ito’y dinaluhan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng mga munisipyong parte ng programa ng KALAHI-CIDSS. Kabilang ang mga Municipal Local Government Operations Officer, Municipal Planning Officer, Municipal Budget Officer, at Municipal Social Welfare and Development Officer. 

Binigyan diin naman ni Assistant Regional Director For Administration Maribel M. Blanco, ang importansya ng pagkakaroon ng programang KALAHI-CIDSS sa pagpapaunlad  at pagpapalakas sa mga komunidad,  “Sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad sa mga serbisyo at makilahok sa mga inklusibong lokal na pagpaplano, pagbabadyet, at pagpapatupad ng mga proyekto na mapapakinabangan ng kanilang komunidad.” 

Inaasahang sisimulan ang pagsasanay sa barangay sa unang linggo ng Hulyo ngayong taon.