Sa pangalawang pagkakataon sa Gitnang Luzon, ginanap ang Kadiwa ng Pangulo (KNP): Diskwento Caravan. Layunin nito nabigyan ng oportunidad ang mga local food producers na magkaroon ng mas malaking kita sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanilang mga produkto. Gayundin ang pagbibigay ng accessible at abot-kayang mga bilihin bilang alternatibong solusyon sa epekto ng pandaigdigang inflation. 

Pinangunahan ni DSWD Region III Director Jonathan V. Dirain ang paghahanda sa mga serbisyong ipagkakaloob ng ahensya sa ilalim ng KNP. Kabilang sa mga serbisyong ito ang Disaster Response, Sustainable Livelihood Program, at Assistance to Individuals in Crisis Situation. 

Personal namang inabot ni President Ferdinand R. Marcos Jr. at ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang mga Family Food Packs at Financial Assistance na may halagang Php 5,000.00 bawat isa sa 480 benepisyaryo.

Samantala, nakilahok ang limang (5) Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) sa KNP kung saan tampok ang mga produkto gaya ng pagkain, gamit sa bahay, dekorasyon, bag, pitaka, accessories at marami pang iba. 

Ang mga SLPAs na lumahok ay ang: St. Paul’s SLPA, Kaunlaran SLPA, Office of the Persons with Disability Affairs SLPA, New Born Baby River SLPA, at Sunshine SLPA.

 

###