LIMAY, BATAAN – Ngayong araw ay ginanap ang Kadiwa ng Pangulo: Diskwento Caravan upang bigyan ng oportunidad ang mga local food producers na magkaroon ng mas malaking kita sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanilang mga produkto. 

Dinaluhan ito ng mga piling benepisyaryo ng Sustainaible Livelihood Program na nagtampok ng kani-kanilang mga produkto: Masagana 4Ps SLPA – chicharon, dishwashing liquid and throw pillowcase, Bayan Bayanan SLPA – walis ting-ting, walis tambo and atchara, Saguing SLPA – bed sheet, pillowcase, homemade embotido and okoy, Torres SLPA – kangkong, vegetables, at pechay, Alion Kapit Bisig SEAK – cashew products processed into butter, cookies and piaya, kalipi seak – leche flan, custard cake, pichi-pichi, kutsinta, dishwashing liquid and beauty products. 

Gayundin ang mga produkto mula sa DSWD Region 3 Centers and Residential Care Facilities gaya ng mga hand-weaved rugs, crocheted and hand-made crafts, home-baked pastries and cookies, at iba pang mga produktong pambahay.  

Samantala, sa pangunguna ng DSWD Secretary Rex Gatchalian at Region 3 Director Jonathan V. Dirain namahagi ng pinansyal na ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa 934 na mga benepisyaryo na nakatanggap ng 5,000 piso kada indibidwal para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan. Namahagi rin ang DSWD Region 3 ng 1000 family food packs na nagkakahalaga ng 777,000 piso sa pamamagitan ng Food-for-Work program. 

###