Mahigit 7.5 million ang nakalaang pondo ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan, Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services, Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay (KALAHI-CIDSS KKB) para sa Casiguran, Aurora. Lahat ng 24 na barangay nito ay pwedeng makagamit sa nasabing halaga na pangangasiwaan ng mismong mga mamamayan. 

Tampok ito sa idinaos ang Municipal Orientation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa SB Session Hall, Municipal Grounds, Casiguran, Aurora.

Sa pahayag ni Casiguran Mayor Roynald S. Soriano, nagpasalamat siya sa Departamento dahil lubos na makakatulong ang programang ito sa kanyang mga nasasakupan, “Maraming salamat po sa pagpili sa aming bayan para sa implementasyon ng programang ito. Naniniwala po ako na ito ay para sa ikabubuti ng aming mga kababayan dito,” aniya.

Ang KALAHI-CIDSS KKB ay isang programa ng DSWD kung saan ang mga mamamayan ng isang komunidad ang magtutukoy ng kanilang mga problema at mangangasiwa ng mga solusyon para dito. Para sa iba pang impormayon tungkol sa programa, magtungo sa https://www.facebook.com/DSWDKALAHICIDSS.

 

###