Bilang parte ng selebrasyon ng ika-72 Anibersaryo ng Kagawaran ng Pagpapaunlad Panlipunan nagdaos ng entrepreneurial at employees wellness activity sa DSWD Central Office.  Lumahok ang aktibidad ng mga kinatawan mula sa DSWD Region 3  tampok  ang mga produkto ng Bhebe Food Products ni Flora Jonson at JRJ Bags and Wallet Accessories ni Rose Ann David mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) mula sa probinsya ng Bataan.

Layunin ng aktibidad na maipakilala ang mga produkto at maipakita ang kasanayan ng mga benepisyaryo ng SLP mula sa Micro-enterprise Development at Employment Facilitation. Simula ngayong araw, Enero 16 hanggang sa Biyernes, Enero 20 ay maaring makabili ng kalidad at murang bilihin mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon  sa Department of Social Welfare and Development Central Office, Batasan Pambansa Complex, Batasan Rd, Quezon City. ###

image_pdfimage_print