SAN LUIS, AURORA — Ngayong araw ay opisyal ng binuksan ang DSWD Aurora Warehouse na maglalaman ng prepositioned family food packs and  non-food items para sa pinakamalayong probinsya ng Gitnang Luzon upang di maantala ang pagbibigay ng ayuda sa mga maaring maapektuhan ng kalamidad at sakuna. 

Paninigurado ni Secretary Erwin T. Tulfo na mas mabilis at mas magiging maayos ang pagdaloy ng serbisyo at programa ng DSWD sa probinsya para sa mga residente nito, “Huwag po kayong mag-alala, your DSWD family is here, naandyan na po ang ayuda naka-stock na.” 

Ipinaabot din niya ang kanyang pasasalamat sa lokal na pamahalaan ng Aurora sa kanilang pagbibigay ng lupa upang maisakatuparan ang pagpapatayo ng warehouse sa probinsya.

Pugay Tagumpay: Pagkilala sa Pagtatapos ng mga Pamilyang Pantawid

 

Samantala, nagtapos ang 100 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kung saan 16 na benepisyaryo ay mula sa Modified Conditional Cash Transfer. Ang mga sambahayan ay binigyang pagkilala. 

“Lubos akong nagpapasalamat sa DSWD Pantawid Pamilya dahil dito ay nahubog ang aking sarili, umunlad ang aking pamilya, at aktibong nakikilahok sa gawaing pangsaimbahan at pangkomunidad. Nagpapasalamat din ako sa aming masisipag na Municipal Link na walang sawang gumagabay sa amin — marmaing maraming salamat po sainyo, dahil sainyo buhay namin ay nabago na itinuring na rin naming mga kapamilya.Naniniwala ako na tayong mga benepisyaryo ay kayang tumawid sa kahirapan, at sa ngayon very proud akong sabihin sa inyo na ako ay nakatawid na sa kahirapan!” pagbabahagi ni Hilda Agraam isa sa mga benepisyaryo na nagtapos. 

Sa kasalukuyan, may 4,649 na mga sambahayan na ang umexit mula sa programa simula noong nakaraang taon at hanggang sa kasalukuyan. ###