Bilang pagkilala sa natatanging pagsuporta sa wikang Filipino, ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) ay ginawaran ng Selyo ng Kahusayan, Antas 2 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Ang Selyo ng Kahusayan ng KWF ay parangal para sa mga ahensiya at lokal na pamahalaan na nagpakita ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa serbisyo publiko.  Ito ay naayon sa implementasyon ng Pamahalaan sa Kautusang Tagapagpaganap Bilang 335 o Executive Order No. 335.

Kasabay sa layuning ipatupad ang mandato ng Kagawaran sa pagbibigay serbisyo sa mga nangangailangang sektor, nilalayon din ng DSWD na maging ehemplo sa pagpapalakas ng pagtataguyod ng kultura sa pamamagitan ng aktibong paggamit at pagpapayaman ng wikang Filipino.

Kita sa larawan ang pagtanggap ng Selyo ng Kahusayan, Antas 2 ni Ginoong Edward Gonzales, Division Chief sa Social Marketing Service ng Kagarawan ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) mula kay Dr. Arthur P. Casanoa, Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Kasama rin sa larawan (mula sa kaliwa) sina: Binibining Bernadette Rosario S. Aligaen ng DSWD; at sina Komisyoner para sa Pangasiwaan at Pananalapi Dr. Benjamin M. Mendillo Jr, at Komisyoner Carmelita Abdurahman ng KWF. ###