Nitong Lunes tatlong bangkay ang natagpuan sa 17-ektaryang damuhan sa Doña Remedios Trinidad (DRT), Bulacan.

Kinilala ni Capt. Eugenio de Ramos Jr., DRT Chief of Police, sina Pampilo Bonaga alias Pilo, 55; Angelo del Castillo, 33; Carlito Servano alias Caloy, 48; Pola Servano, legal age; and Antonio Servano, 45, lahat mula sa Sitio Armstrong, Barangay Camachile. 

Binisita ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 3 ang mga pamilya ng mga biktima, ngayong araw ay ipamahagi sa kanila ang food at burial assistance na nagkakahalaga ng ₱75,000.00.

Samantala, sa pakikipag-ugnayan sa DSWD Region 6 and sampung construction workers na na-stranded dahil sa pag-abandona ng kanilang employer sa Banga, Aklan ay nabigyan ng family food packs, hygiene kits at ₱50,000.00 na kanilang ginamit na pambayad sa utang sa mga tindahan sa lugar at pamasahe pauwi ng Bulacan. 

Ngayong araw ay sasalubungin ang mga construction worker ng mga kawani ng DSWD Region 3 upang maayos na maihatid sa kanilang lugar, mabigyan ng food assistance, at iendorso sa Sustainable Livelihood Program para sa assessment at posibleng ayuda para sa pagtatrabaho o pagnenegosyo.  ###