Nagsagawa ng tree planting activity ang Department of Social Welfare and Development Field Office III sa pangunguna nina Regional Director Marites M. Maristela, CESO III, Assistant Regional Director for Operations at concurrent Division Chief ng DRMD Venus F. Rebuldela, Assistant Regional Director for Administration Maribel Blanco, noong Hulyo 23 (Sabado) sa Brgy. San Ramon, Florida Pampanga.

Ang isinagawang aktibidad ay kaugnayan sa taunang pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month twing buwan ng Hulyo sa ilalim ng temang “Sambayanang Pilipino, Nagkakaisa tungo sa Katatagan at Maunlad na Kinabukasan.”

600 seedling ng punong kahoy ang ibinahagi ng Environmental and Natural Resources Office ng Lalawigan ng Pampanga para sa nasabing aktibidad.

Tinugunan naman ito ng ahensya sa pagabot ng 100 Family Food Packs para sa pamilyang tumulong sa pagtatanim.

Ayon kay Dir. Maristela “Patuloy natin pagyamanin ang ating kalikasan upang patuloy niyang maibigay ang ating mga pangangailangan. Kayo na nakatira dito sa inyong komunidad ang tanging makakagawa nito”