Phone screen mockup psd hand holding digital device

Mag-ingat sa mga scammers!

Mariing pinapaalala ng Department of Social Welfare and Development Region III sa publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga random txt messages na nagsasabing ikaw ay makakatanggap ng ayuda mula sa DSWD lalo na kung may kaakibat na unknown link.

Ang DSWD ay laging nakikipag-tulungan sa mga lokal na pamahalaan sa pagtupad ng mga programa at serbisyo nito. Hindi gumagamit ng text o email ang ahensya upang mangalap ng personal na impormasyon ng publiko.

Hindi kinikilala ng DSWD Region 3 ang mga text na mula sa 0935-477-3391 at iba pang ‘di kilalang numero na nagsasabi na kailangan nang i-claim ang ayuda.

Narito ang ilang tips upang malaman kung lehitimo ang txt message na natatanggapi:

Dapat ito ay may buong pangalan ng kawani ng DSWD Region III;
Dapat ikaw ay may inapplyan na social service program mula sa DSWD Region III;
Dapat ikaw ay may inaasahang mensahe mula sa DSWD Region III base sa inapplayan mong social service program.

Mga dapat gawin kapag nakatanggap ng kahinahinalang txt:

Huwag i-click ang kahinakinalang link. Maaari itong mag-nakaw ng inyong mga personal na impormasyon;
I-verify kung totoo. Ipadala ang screenshot ng txt sa aming official Facebook page: DSWD FO III.

###