Bahagi ng pagpupulong ng Area Based Standards Network (ABSNET) Region III ay ang paghalal at panunumpa ng mga bagong mga opisyal nito.

Kabilang sa hanay ng Regional ABSNET Board (RAB) officers sina Fr. Arnold M. Abelardo, CMF (Ako ang Saklay, Inc.) bilang President; Sheenie E. Hesite (Ima’s Home for Children Foundation, Inc.) bilang Internal Vice President and Committee Head for Capacity Building; Edelberto A. Rolle (S.O.S. Children’s Village, Inc.) bilang External Vice President; at Emmanuel Drewery (PREDA Foundation) bilang Secretary. Karagdagan pa sa mga committee head ay sina Amelia Tuquero (Rehoboth Children’s Home, Inc.) para sa Membership and Communications at Elenita dela Cruz (St. Elined School Foundation, Inc.) para naman sa Policy Review.

Ang ABSNET ay samahan ng mga rehistrado, disensyado, at kinikilala na mga Social Welfare and Development Agencies ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sila ay itinuturing na mahalagang kaagapay ng Departamento sa pagpapahatid ng mga social welfare protection and development programs and services sa iba’t-ibang sektor na kanilang pinagsisilbihan.

Mahalaga na nagkakaisa ang mga layunin ng mga miyembro ng ABSNET at ng pamahalaan ayon kay Regional Director Marites M. Maristela, CESO III, “Kung malinaw ang ating shared goal and shared interest isasa-alangalang natin ang the best interest for people who we are serving — the delivery of social protection services.”

Pormal ring kiinilala ang mga Daycare Centers at ECCD Accreditors sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang mga Certificates for Accreditation.

###

###