Nitong nakaraang linggo ay opisyal nang binuksan ang konkretong daanan sa Brgy. Diniog, Dilasag, Aurora para makapagbigay ng mas madaling daanan para sa mga residente na nakatira sa mga bulnerableng lugar.

Ang proyekto na siyang napagdesisyunan ng mga tao sa komunidad alinsunod sa pagsangguni sa kanilang Barangay at Municipal Disaster Risk Reduction and and Management Council. Ito ay magsisilbi rin bilang isang farm-to-market road na magagmit ng mga magsasaka sa para mapabilis ang pag-luwas ng kanilang mga produkto.

Ang ₱5M na proyekto ay parte ng programang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) na isa sa mga programa ng gobyerno sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development. Ang KALAHI-CIDSS ay kinikilala bilang isang istratehiya upang makamit ang service delivery, poverty reduction, and good governance outcomes.

DCIM/100MEDIA/DJI_0059.JPG

“Ayaw ko sanang tanggapin ang proyekto noon kasi mahirap, pero napag-isip isip ko na kung hindi ko tatanggapin wala akong maiaambag sa barangay. Pero nung andyan na — madali lang pala dahil mayroon po kaming kaagapay.” pagbabahagi ni Nelda Francis, Volunteer, Procurement Team Head.

Samantalang 120 na mga benepisyaryo ang opisyal na nakatanggap ng Certificate of Ownership bilang patunay na sila na ang nag-mamayari ng shelter unit sa ilalim ng Core Shelter Assistance Program ng DSWD Region 3. Parte ng kondisyon ng Certificate of Ownership ay ang hindi pagpaparenta ng shelter unit ngunit maaring ibigay sa anak o pinakamalapit na kamag-anak. ###