Ngayong araw nakilahok ang Department of Social Welfare and Development Region 3 sa Integrated Sustainable Assistance, Recovery and Advancement Program (ISARAP) sa mga probinsya ng Bulacan, Pampanga, at Nueva Ecija.

Layunin ng ISARAP na ilapit sa mga mamayan ang iba’t-ibang serbisyo galing sa mga ahensya ng gobyerno.

“Maganda (ang mga aktibidad) dahil nagkakroon kami ng opportunity dahil pwede kaming magkaroon ng livelihood.” Pahayag ni Junie Marcelino, Parent Leader, Nazareth, Gen Tinio.

Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng DSWD Region 3 sa ilalim ng Assistance to Individuals In Crisis Situation ng ₱3,000.00-5,000.00. Samantalang ₱15,000.00 para sa mga benepisyaryo sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program.

Nilahukan ang aktibidad ng mga ahensya mula sa Department of Health, National Housing Authority, Department of Environment and National Resources, Department of Public Works and Highways, Department of Education, Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employment, Cooperative Development Authority, at Philippine Coconut Authority.

“I would like to thank all agencies who participated and provided their programs… Yung ginagawa natin dito is in accordance with ISARAP. Hindi ito bago – ginagawa na natin ito sa lahat ng sulok ng Pilipinas. Kaya ramdam ang pagtugon ng pamahalaan sa suliranin ng mga mahihirap.” Dagdag ni Leoncio B. Evasco Jr., Secretary, Office of the President.

###