Tunay ngang araw-araw pwedeng maging Pasko! Laking tuwa ng mga 600 na benepisyaryo mula sa  Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa natanggap nilang food packs at Bears of Joy mula sa SM Cares at SM City San Fernando Downtown. 

Simula 2014, namamahagi na ang SM Cares Foundation ng Bears of Joy para sa mga batang benepisyaryo ng 4Ps, samantalang pinasimulan nitong 2021 ang pamamahagi ng mga food packs na naglalaman ng bigas, noodles, canned tuna, sardinas at tubig sa mga pamilyang 4Ps.

Naging posible ang pamamahagi na ito sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program Regional Project Management Office na katuwang sa pagbibigay ng skills training at livelihood assistance sa mga 4Ps beneficiaries. 

###