Opisyal ng pinasinayaan ng Clark Development Corporation (CDC) ang pagtanggap ng donasyon ng DSWD Region 3 mula sa siyam kompanya bilang parte ng kanilang donation drive para sa mga survivors ng Typhoon Odette. 

COMPANY ITEM QUANTITY
Wontech International Corporation Noodles 75 pcs
Somang Global Clark Corporation Clothes 1 box
Juice 3 boxes
Luzon International Premiere Airport Development Corporation (LIPAD) Blankets, Towels, and Pillows 1 box
Pishon Clark Philippines Inc. Bedsheets and Towels 4 boxes
Aderans Philippines Inc.  Clothes 2 boxes
Groceries 2 boxes
Demagus Trading Corporation Assorted garments 118 boxes
Shroe 360, Inc. Sleeping garments 3 bags
Clothes 3 eco bags
Beepo Assorted garments (including diapers) 2 boxes
Yokohama Tire Philippines, Inc. Sacks of rice (25 kg) 100 sacks

Ayon kay CDC Community Affairs Officer IV, CSR and Placement Division Ronald T. Antonio, “ I hope they won’t lose hope, nandito ang Clark Development Corporation, Locators, at kayo ang DSWD Region 3, together we will always extend our helping hand para makatulong sa victims ng typhoon Odette. “ 

Si Protective Services OIC-Division Chief Priscila C. Tiopengco ang kumatawan sa DSWD Region 3 bilang pagtanggap sa mga donasyon, dagdag pa niya, “Salamat sa tulong nila, sa tiwala, at siguraduhin namin na makakarating ito sa mga survivors ng Typhoon Odette. 

Para sa mga nais pang magbigay ng tulong, tumatanggap ang ahensya ng mga bagong damit, pagkain na ang expiration date ay hindi bababa sa 6 months, hygiene kits, pinansyal na tulong, at iba pa. Makipagugnayan lamang kay Jessica Mae  A. Yabut sa 0998-447-0759. ###