Ngayong araw ay tinalakay ni DSWD Region 3 Director Marites M. Maristela, CESO III sa Usapang Pangkapayapaan Usapang Pangkaunlaran (UP UP) Northern Luzon ang mga programa at serbisyo na maaring matanggap ng mga kabilang sa disadvantaged sectors gaya ng mga kabataan, katandaan, kababaihan,person with disabilities, kasama na rin ang mga former rebels.

“Tumutugon kami at umaalalay sa local government units as first responders sa mga disaster incidents but more than that, ang departmento — ang Social Welfare and Development ay mandated na magdevelop at magsagawa ng iba’t-ibang programa — comprehensive programs and services to address the welfare in needs of various disadvantaged sectors.” Pahayag ni RD Maristela.

Bilang pagsuporta sa Executive Order 70 na nagtatag sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) tinalakay ni RD Maristela ang ilansa mga programa ng DSWD:

Sustainable Livelihood Program kung saan namamahagi ng Livelihood Settlement Grant upang mapalago ang economic activity sa mga conflict vulnerable areas na makakatulong sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Assistance for Individuals in Crisis Situation para sa may mga pangangailangang pinansyal na medikal, edukasyonal, at libing.

Pantawid Pamilyang Pilipino Program kung saan 22 na sa mga pamilya ng former rebels ang napabilang;

Nagsasagawa rin ang DSWD Region 3 ng mga Service Caravans ay tinatalakay ang iba’t-ibang programa at serbisyo ng DSWD Region 3 upang mailapit ito sa mga residente na nasa geographical isolated and disadvantaged areas.

Para sa iba pang impormasyon, maaaring i-follow sa official DSWD Region 3 Facebook page na DSWD FO 3 o tumawag/magtext sa mga numerong: 09150740915/09491853156.