Pinapaalala ng DSWD Region 3 na may anti mendicancy law na nagbabawal ng mga aktibidad na may kinalaman sa panlilimos at pagbibigay ng limos.

Alinsunod sa Presidential Decree (PD) 1563, or the Anti-Mendicancy Law kung saan nakasaad na ang pagbibigay ng limos ay hindi isang paraan ng pagtulong, bagkus ito ay nakakaragda sa kaso ng mga aksidente at kriminalidad, lalong-lalo na ang mga bata. 

Nakasaad din sa batas na ang mga nanlilimos na nasa wastong gulang at may kakayahang mag trabaho ay maaaring pagmultahin ng Php 500.00 o makulong ng hindi lalampas sa dalawang (2) taon at ang mga menor de edad ay ilalagay sa pangangalaga ng DSWD. Samantalang ang mga nagbibigay limos naman ay pag mumultahin ng hindi hihigit sa Php 20.00.  

Nitong papalapit na Kapaskuhan muling paalala ni Regional Information Officer Reiner Grospe, “Maraming mga paraan para tumulong; pwede tayong mag report, mag-organize  ng medical missions, outreach programs, pumunta sa kanilang community, makipag-coordinate sa mga local government unit, at magdonate sa mga lehitimong agencies.” 

Sa kasalukuyan base sa data, nasa 48 (Bulacan – 24, Pampanga – 14, Tarlac – 1, Zambales – 9) na homeless families na ang kabilang sa Modified Conditional Cash Transfer (MCCT). Dagdag pa ng MCCT Focal Rhea Lynn Cabiling, “Maraming effort at serbisyo na ang ginawa at inihandog ng gobyerno upang tapusin ang mendicancy, kung gusto talagang tapusin ng publiko ang panlilimos, dapat tumigil na sila sa pagbibigay ng limos.”

Samantala, patuloy ang DSWD Region 3 sa paghahatid ng serbisyo sa mga homeless families at IP communities sa ilalim ng Social Technology Unit.