SAN LUIS, AURORA – Nitong Lunes, ika-22 ng Nobyembre, ginanap ang Ground-breaking Ceremony for the Construction of Expansion and Improvement of Three-Storey Office Warehouse sa probinsya ng Aurora.
Bilang Vice Chairperson for Disaster Response at ang nangungunang ahensya sa pamamahagi ng food and non-food items sa ilalim ng Response Cluster of the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay may mandato na mamahala sa pagtugon sa sakuna lalo na kung ang Local Government Unit (LGU), o ang unang tumutugon sa sakuna, ay mawalan ng kakayahang mag-bigay tulong sa mga nangangailangan.
Ang probinsya ng Aurora ay madalas na dinadaanan ng sakuna tulad ng pagbaha, bagyo at pagguho ng lupa dahil sa geographical na lokasyon nito. Naging hamon ito para sa DSWD Region 3 at Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora pagdating sa pamamahagi ng tulong at sa pag-iimbak ng food and non-food items.
Ibinahagi ng lokal na pamahalaan ng San Luis, Aurora ang 800 sqm na lupa at sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora, naitayo ang dalawang (2) palapag na gusali na nagsilbing DSWD satellite warehouse ng lalawigan na naglalaman ng 2,000 Family Food Packs (FFP) na higit na mas kaunti kaysa sa kakailanganin ng walong bayan ng probinsya.
Dahil dito, nagpasya ang Field Office III ng expansion ng gusali. Mula sa 2,000 FFPs magiging 10,000 food and non-food items na ang maiimbak dito. Magsisilbi din itong provincial office ng mga staff ng ahensya.
Kabilang sa mga dumalo sa ground-breaking ay sina Vice Governor Christian Noveras, Anabel Tiangson Executive Assistant of the Governor, Mayor Ariel De Jesus, Vice Mayor Tristan Pimentel, Barangay Chairman Sanny Maliwanag, Elen Olivar ng Provincial Social Welfare and Development Office, Nymfa Jacinto ng Municipal Social Welfare and Development Office, General Manager Efren Matias at Engr. Christian Matias ng Contractor Company na E.B. Matias, Margie Y. Nortez Provincial Team Leader at iba pang mga staff ng DSWD Provincial Extension Office (DPEO) Aurora, Parent Leaders and DSWD volunteers, 1st Lt. Candidato Paduman, Konsehal Klaro Olivar, Assistant Secretary for Disaster Response and Management Unit Rodolfo Encabo, at Regional Director Marites M. Maristela, CESO III at iba pang staff ng DSWD Field Office III.
Ang construction ng ginagawang expansion na ito ay nagkakahalaga ng P55,558,178.88 at inaasahang matapos sa Hunyo 2022. ###