Kamakailan lang ay naparangalan ng first runner-up spot si Dindi Pajares mula sa Orani, Bataan sa isa sa mga pre-pageant activities ng Miss Supranational 2021 na Miss Elegance contest. Naging agaw-pansin ang suot ni Dindi na fuchsia gown, maraming nag-akala na ito ay gawa ng isang sikat na couturier pero paglilinaw ni Dindi Pajares sa kanyang Instagram Page.
Text: This gown has a very humbling story. Despite constraints in resources, Angeiline Texon @bespokeangeiline, a senior high school designer from Bataan, province of the Philippines, was able to make this work of art come to life. This was made only for two (2) days, shortly before I left for Poland, using a sewing machine donated by the government ( 4P’s -Pantawid Pamilyang Pilipino Program) to the poor constituents. It warms my heart that such simple pieces achieve tremendous feat and are recognized internationally (bagging the first-runner-up for Miss Elegance of Miss Supranational 2021) . With this is my OVERFLOWING GRATITUDE to ALL THE PEOPLE BEHIND every step of my way, then and beyond. Thank you very much from the bottom of my heart. 🙏💕
Si @bespokeangeiline ay si Angeiline Texon o Angelo D. Navarro sa totoong buhay ay dating benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program mula sa Capunitan, Orion, Bataan.
Ayon kay Angeiline nagsimula ang kanyang pagkahilig sa pagtatahi dahil sa mga barbie doll noong siya ay nasa grade 8 pa lamang, at ngayon siya ay kasalukuyan na naka-enroll bilang estudyante sa Technical Vocational Livelihood course sa Bataan Peninsula State University.
“It all started with a simple pencil and piece of paper. Growing up, I’m really into fashion designing. I always dreamed of being like Cary Santiago. There were times that I walked kilometers just to gather an excess cut of lace and fabrics from my nanay nanayan to make a gown by hand stitching.”
Nagbukas ang panibagong oportunidad kay Angieline nang mabiyayaan ang kanilang pamilya ng libreng sewing machine na kanya namang ginamit upang lumikha ng mga obra.
Pagbabahagi ni Angeiline, “May 2021, nagmessage po ako kay mima Dindi, nakita kopo kasi sa post nya na naghahanap siya ng design for a collab. Fan nya po ako since 2016 Binibini days. And luckily nagkaroon po ako ng chance na damitan siya.”
Payo naman ni Angeiline sa mga kabataang gaya niya, “To the young dreamers out there like me, it may sound cliche but it is true that if you don’t give up, little by little, you will achieve your dreams.”
Ang bawat pamilya na kabilang sa 4Ps ay ginagabayan at binibigyan ng oportunidad na maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng financial literacy na kabilang sa buwanang Family Development Session at dagdag pagkakitaan sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program.
###
Story by: Alexine Bianca RdS. Castañeda, Information Officer
Photos grabbed from: Dindi Pajares’ and Angeiline Texon’s Instagram Pages