Ang probinsya ng Bataan ay naideklara na sasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula Agosto 8 hanggang 22, 2021. Dahil dito, inaasahang maraming mga mahihirap na pamilya ng higit na maaapektuhan sa pansamantalang pagtigil ng kabuhat upang malimitahan ang pagkalat ng COVID-19. 

Sa pamamagitan ng  Joint Memorandum Circular (JMC) ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of National Defense (DND) ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay makakatanggap ng isang libong piso (Php 1,000) hanggang apat na libong piso (Php 4,000) bawat pamilya.

Ayon sa DILG, ang probinsya ng Bataan ay nilaanan ng kabuuang halaga na Php 698,283,000.00. Ipinamahagi ito sa mga lokal na pamahalaan ng Abucay (P34,388,000), Bagac (P26,680,000), Balanga City (P83,339,000), Dinalupihan (P102,343,000), Hermosa (P61,955,000), Limay (P62,618,000), Mariveles (P120,135,000), Morong (P28,316,000), Orani (P61,656,000), Orion (P48,617,000), Pilar (P36,992,000), at Samal (P31,244,000).

Ang pamamahagi ng ayuda ay sinimulan noong ika-23 ng Agosto 2021. Dinaluhan ito nina DILG Undersecretary Jonathan E. Malaya at DSWD Assistant Secretary (Asec.) Rhea Peñaflor, at DRMD Region 3 Chief Priscila Tiopengco. 

Paninigurado naman ni Asec. Peñaflor sa mga benepisyaryo na kanilang matatanggap ang mga ayuda, “Rest assured po na makukuha niyo na po [ang ayuda],” “I hope makakatulong na po sa inyo [ito] . Together with DILG, DSWD ay nandito upang isagawa ‘yung pag-monitor kung talaga bang naibibigay sa inyo ang ayuda, ” dagdag pa niya

 

###