Nitong linggo lamang ay ipinagdiwang ang ika-10 anibersaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) na pinamagatang Isang Dekada ng Pagsibol. 

Ang SLP ay isang programa ng DSWD na naglalayong tumulong na mapalakas ang kapasidad ng mga kalahok upang magkaroon ng matatag na kabuhayan sa pamamagitan ng  negosyo o trabaho. 

Pangunahing layunin ng SLP ang tulungan ang pamilyang Pilipino na umangat sa kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay kapasidad sa buhay sa pamamagitan ng kabuhayan.

Taong 2020 ay nagsimula ang pamimigay ng LAG bilang isa sa mga recovery and rehabilitation programs ng pamahalaan na may pangunahing layunin na magsilbing tugon para sa mga pamilyang kabilang sa low-income o informal sector na nawalan ng pagkakakitaan o kabuhayan dulot ng community quarantine.

Parte ng selebrasyon ay ang pagkilala sa mga natatanging rehiyon na nakapag ambag sa matagumpay na pagpapatupad ng programa. Kabilang dito ang parangal para sa  Region 3 bilang Top Performing Field Office for Livelihood Assistance Grant (LAG) Fund Utilization Mega Category. 

Gayundin, naigawad ang Over All Best Implementer sa DSWD Region 3 dahil ito ay nakapagtala ng 100% obligation ng LAG funds batch 1&2. 

“Maraming salamat sa pagkilala. Ang karangalan na ito ay ibinabalik ko sa mga field implementers at regional staff ng SLP. Sila ang tunay na naghahatid ng maagap na serbisyong may malasakit.” sambit ni Regional Director Marites M. Maristela, CESO III. 

###