Laur, Nueva Ecija – 17 barangay sa Laur Nueva Ecija, nabigyan ng allocation grants mula sa KALAHI-CIDSS NCDDP Additional Financing.

 

Inaasahang makikinabang sa mga sub-projects ang lahat ng barangay sa bayan ng Laur matapos na maidaos ng KALAHI-CIDDS Regional Program Management Office (RPMO) Region 3 ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council Meeting ngayong araw. 

 

Layunin ng MDRRMC meeting na i-present sa lahat ng punong barangay at iba pang stakeholders ang kasalukuyang sitwasyon ng pandemya sa kanilang bayan. Ang Additional Financing ng KALAHI-CIDSS NCDDP ay gumagamit ng Disaster Response Operations Modality (DROM) dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa dulot ng COVID-19.

 

Binigyang linaw din ng KALAHI-CIDSS NCDDP RPMO ang kriterya kung paano hinati-hati ang 17 milyong pisong grant sa 17 na barangay ayon sa kanilang poverty incidence at kabuoang bilang ng populasyon.

 

Lubos naman ang tuwa at pasasalamat ng lahat ng dumalo dahil nabigyan sila ng linaw sa layunin ng programa. Umaasa silang magbibigay ito ng kaginhawaan sa kanilang mga barangay.

 

###