Hermosa, Bataan – Sinimulan ngayong araw, ika-15 ng Hunyo 2021, ang pamamahagi ng mga natitirang cash assistance mula sa SAP 2nd tranche.

Ang pamamahagi ng mga ito ay ipinagpaliban noon ng mga Financial Service Providers (FSPs) at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD Region III dahil sa pagkakaiba ng mga detalye ng kanilang mga impormasyon.

Kinakailangang siguraduhin ng mga FSPs at ng DSWD Region III na mapunta sa tamang tao/pamilya ang nasabing mga cash assistance. Kaya naman mahalaga ang pagpapanatili at pag-va-validate ng integridad sa mga datos at impormasyon ng mga benepisyaryo.

132 na SAP beneficiaries ang nakatakdang makatanggap ng emergency assistance ngayong araw.

Ang iba pang nagdaos ng payout sa Bataan ay ang mga bayan ng Dinalupihan, Orani, Samal, Morong, at Abucay. Nagsimula na rin ang pamamahagi sa Zambales sa mga siyudad at bayan ng Olongapo City, San Antonio, Subic, San Narciso, Castillejos,  San Marcelino na may kabuuang bilang na 1,823 benepisyaryo.

Para sa iskedyul sa inyong mga lugar, hintayin ang anunsyo ng inyong lokal na pamahalaan.

image_pdfimage_print