Nakatakdang mamahagi ang Department of Social Welfare and Development Region 3 sa pangunguna ni Secretary Rolando Joselito D. Bautista, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Bulakan, Bulacan sa 400 benepisyaryo mula sa siyam (9) na barangay (Bagumbayan, Bambang, Balubad, Matungao, Pitpitan, San Francisco, San Nicolas I, San Nicolas II, Tibig). 

Ito ay parte ng proyektong Cash-for-Work sa ilalim ng Climate Change Adaptation and Mitigation – Disaster Risk Reduction (CCAM-DRR) kung saan ang bawat benepisyaryo ay makakatanggap ng Php 3,000.00 para sa kanilang serbisyo sa kanilang communal garden ng kanilang bawat barangay. 

 

“Yung experience ko [sa cash for work] ay first time ko mag tanim ng mga gulay at ang Community Gardening ay pwede i-adopt sa bahay bilang backyard gardening. Kalahati ng aking natanggap ay idodonate ko sa aming Community Pantry [habang] ang natira ay gagamitin sa mga gastusin.” Pagbabahagi ni Mike Joseph  Carpio, 24, mula Bulakan, Bulacan at benepisyaryo ng Cash for Work. 

Ang mga benepisyaryo ng Cash for Work ay mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program beneficiaries, indigent citizens, solo parents, at senior citizens. 

Dadag ni Leona Dizon, 57 isa ring benepisyaryo ng Cash for Work, “Ang perang aking natanggap ngayong araw ay ipamumuhunan ko sa aking kabuhayang pananahi, pangbili ng tela. Maganda ang pamamalakad ng DSWD hindi lang sa aming Solo Parents at sa lahat ng mga taong humihingi ng tulong, napakaganda ng kanilang programa.” 

Samantala, patuloy pa rin ang pamamahagi ng pinansyal na ayuda para sa 80 na benepisyaryo ng  NCR + affected areas. 

 ###