CABANATUAN, NUEVA ECIJA – 700 benepisyaryo ng Risk Resiliency Program Climate Change Adaptation and Mitigation Disaster Risk Reduction (RRP-CCAM DRR) ang nakatanggap ng kompensasyong nagkakahalaga ng ₱3,000.00 kapalit ng sampung araw na pag tratrabaho, layunin ng programa na maiangat ang kakayahan ng bawat indibidwal at himukin ang pamayanan na mag kaisa upang epektibong malabanan ang Climate Change.

Isa sa mga proyekto ng RRP-CCAM DRR ay ang pag tatayo ng “community garden” na nag lalayong mabawasan ang hunger incidence at masigurado na may pagkain sa hapag ang bawat pamilya sa pamayanan. Ayon sa Food and Agriculture Organization (FAO) ng United Nations ang pabagu-bagong panahon ay maaring mag dulot ng direktang epekto sa apat na dimensyon ng food security: food availability, food accessibility, food utilization, food systems at stability. Ang pag kakaroon ng kakulangan sa isa sa mga dimensyong ito ay maaring makapagdulot ng pagtaas ng presyo ng mga produkto sa merkado na maaring makaapekto sa kabuhayan at kakayahang makabili ng bawat pamilyang Pilipino.

Samantala, binisita at nakapanayam ni Assistant Regional Director for Administration Maribel M. Blanco ang mga barangay leaders at mga tagapamahala ng community garden.

Story by: Sanne Ray Soro, Information Officer