Bilang parte ng pagtugon sa paparating na typhoon Rolly, handa na ang 11,914 Family Food Packs (FFPs) at 1,669 non-food items para sa Gitnang Luzon.

Sa kasulukuyan, may 9,530 FFPs ang nasa DSWD Region III warehouse, samantalang ang natitirang 4,084 FFPs ay nasa apat na satellite warehouses sa Fort Magsaysay (1,826) , DPEO Bulacan (126), DPEO Aurora (2,020), at DPEO Zambales (179).

Ang bawat FFPs ay naglalaman ng anim (6) na kilong bigas, apat (4) na canned tuna, apat (4) na corned beef, dalawang (2) sardinas, limang (5) 3-in-1 coffee, at limang (5) breakfast cereals.

Samantala, ang mga non-food items ay may 617 family kits, 407 hygiene kits, at 648 sleeping kits.

Gayundin, may nakahandang pondo para sa Disaster Response na nagkakahalaga ng ₱3,305,028.

Ang DSWD Region III ay patuloy pa rin sa pagbabantay ng panahon, pagrerepack ng relief items, at pagkakaroon ng emergency procurement para sa karagdagang relief items sa pamamagitan ng activated 24-hour duty ng Quick Response Team.