Nueva Ecija ang ikatlong probinsya sa Region III na nag-roll-out ng pamamahagi ng ESP

Kahapon, ika-14 ng Abril ay namahagi ng ₱12,805,000 para sa 1,970 mahihirap na pamilya sa Nueva Ecija. Ito ay naganap sa mga bayan ng Licab (286), Zaragoza (1,188), at Talavera (496). Patuloy parin sa araw na ito ang distribution sa mga nasabing bayan. 

Ngayon araw rin ang simula ng bayan ng Cuyapo at General Mamerto Natividad, Nueva Ecija. 

Samantala, patuloy pa rin ang pamamahagi ng financial assistance sa ilalim ng ESP sa Bulacan at Pampanga. 

Nasa 11,325 na pamilya mula sa Bulacan ang nakatanggap ng ayuda sa mga bayan ng Pandi (4,747), Baliuag (4,628), San Miguel (112) at San Rafael (1,838). Sa kabuaan ay nagkakahalaga ng ₱73,612,500.00 ang naipamahagi na sa nasabing probinsya. 

480 na mahihirap na pamilya naman sa Siyudad ng San Fernando, Pampanga na may kabuuang halaga na ₱3,120,000. 

Inaasahang makukumpleto ang pamamamahagi ng ESP sa 1.8 milyong mahihirap na pamilya sa ika-30 ng Abril. 

###

image_pdfimage_print