Guagua, Pampanga (As of April 16, 8PM) – Bataan ang ika-pitong probinsya na nakatanggap ng pinansyal na ayuda mula sa Emergency Subsidy Program (ESP). 519 na pamilya ang paunang nabigyan ng ₱3,373,500 mula sa mga bayan ng Pilar (371) at Hemosa (148). 

Sa Aurora, tatlong bayan na ang naipamahagian ng pinansyal na ayuda para sa 447 na mahihirap na pamilya mula sa Dilasag (78), Baler (260), at Ma. Aurora (109) na may kabuuang halaga na ₱2,905,500.  

Ang Bulacan ay ang may pinaka-maraming mahihirap na pamilya (42,836) ang nakatanggap ng ESP, mula sa 18 na siyudad/munisipyo na nakatanggap na ng  ₱278,434,000.00. Ito ay naganap sa Pandi (7,202), Paombong (840), Baliuag (8,819), Doña Remedios Trinidad (415), Malolos (3,763), San Miguel (5,657), San Rafael (3,583), San Jose Del Monte (4,590), Angat (1,762), Bustos (1,061), Bulakan (1,034), San Ildefonso (141), Guiguinto (885), Plaridel (886), Sta. Maria (788), Pulilan (148), Balagtas (1,091), at Norzagaray (171). 

Sinundan naman ito ng Nueva Ecija, kung saan may 42, 236 na mahihirap na pamilya na ang nakatanggap ng pinansyal na ayuda. Sila ay mula sa mga bayan/siyudad ng Licab (916), Zaragoza (4,369), Talavera (4,852), San Antonio (2,471), Pantabangan 1,014), Muñoz (4,290), San Jose (5,313), Gen. Natividad (7,380), Talugtug (2,079), Lupao (991), Quezon (957), Nampicuan (129), Peñaranda (385), Jaen (2,995), Gen. Tinio (278), San Leonardo (2,156), at Cuyapo (1,661). Ang kabuuang halaga na natanggap ng mga pamilya ay nasa ₱274,534,000. 

Mula naman sa Pampanga ang 17,269 na mahihirap na pamilya ang nakatanggap na ng pinansyal na ayuda na nagkakahalaga sa ₱112,248,500. Ang mga siyudad/munisipyo na nagsimula na ng pamamahagi ay ang: City of San Fernando (2,951), Candaba (5,234), Lubao (1,045), Mabalacat (357), Bacolor (141), Mexico (627), Floridablanca (23), San Simon (316), Minalin (2,227), San Luis (468), Arayat (873), at Guagua (2,998). 

Sa Tarlac, 3,740 na mahihirap na pamilya na ang nakatanggap ng ₱24,310,000 mula sa mga siyudad/bayan ng Ramos (252), Pura (503), Capas (526), Moncada (1,891), at San Manuel (568). 

Patuloy pa rin ang pamimigay ng pinansyal na ayuda para sa mahihirap na pamilya sa Zambales mula sa siyudad ng Olongapo, kung saan 905 na pamilya na ang nakatanggap ng ₱5,882,500. 

Inaasahang makukumpleto ang pamamamahagi ng ESP sa 1.8 milyong mahihirap na pamilya sa ika-30 ng Abril. 

###

image_pdfimage_print