Guagua, Pampanga – Ang Nueva Ecija ay ang pinaka malaking probinsya na may tala ng pinaka maraming mahihirap sa Gitnang Luzon. Sa ilalim ng Emergency Subsidy Program, 70% ng kabuuang target para sa rehiyon na mahihirap na samabahayan at pamilya ay nasa probinsya. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 140,780 na mahihirap na pamilya na ang nakatanggap ng kanilang pinansyal na ayuda. 

Hindi naging madali ang implementasyon ng ESP sa probinsya. Iilan lang sa mga naging hamon, ay ang pagbabanta sa seguridad na natanggap ng mga frontliners, pagpipilit ng mga ilang mamamayan na mapasali sa listahan sa kabila ng hindi pagka-qualify bilang mahirap, at pagkakaroon ng mga di tapat na tao na nagagawang magsinungaling upang makatanggap ng ayuda, at iba pa. 

Sa kabila ng mga hamon, matapang na humarap ang mga frontliners at patuloy na nagbigay ng serbisyo kaagapay ang AFP, PNP at BFP na siya namang nagbigay ng seguridad at proteksyon tuwing magkakaroon ng validation o pay-out. 

Gayunpaman, naging matagumpay ang pag-implementa ng ESP sa bayan ng Gen. Natividad. Ito ang unang munisipyo sa Nueva Ecija na nakatapos ng pamamahagi ng ESP para sa 7,410 na mahihirap na pamilya. Gayundin, nakumpleto na ang pamamahagi ng pinansyal na ayuda sa 8,900 na pamilya sa bayan ng Zaragoza. 

Ipinagmamalaki ni OIC-Division Chief Melanie M. Barnachea bilang ESP Coordinator ng probinsya na naging buo ang suporta at pakikiisa ng mga lokal na pamahalaan na siyang nagpabilis sa pamamahagi ng pinansyal na ayuda sa mga mahihirap na pamilya. 

Ayon kay DC Barnachea, “The LGUs and BLGUs provided the foods and snacks to all the volunteers and frontliners including DSWD staff to ensure that people working hard for the program are filled with the needed physical nutrients to endure the hardship of doing the house to house master listing, validation and responding to queries.”

Gayundin, naging susi ang sipag at dedikasyon ng mga manggagawa gaya ng mga social workers, barangay officials, child development workers upang magkaroon ng mabilis na validation sa mga sambahayan na napabilang sa ESP.

Dagdag pa ni DC Barnachea, nagkaroon ng inisyatiba ang lokal na pamahalaan ng Palayan City upang i-replicate ang ESP sa pamamagitan ng pagbibigay ng ₱3,000 para sa mga mahihirap na pamilya sa siyudad. 

Patuloy na nagbibigay ng technical assistance ang DSWD Region III sa pamamagitan ng mga ESP Coordinators kagaya ni DC Barnachea sa mga Provincial Team Leaders na siya namang nakatutok sa implementasyon ng ESP katuwang ang mga lokal na pamahalaan. 

###

image_pdfimage_print