Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay may pangako na “Maagap at Mapagkalingang Serbisyo.” Isa dito ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Ito ay may layuning matugunan ang pangangailangan ng isang tao na nakararanas ng krisis o walang kakayanan na matugunan ang kanyang pangangailangan.

Ang AICS ay may Tulong Transportasyon o Transportation Assistance para sa mga nais umuwi sa kanilang probinsya. Ito ay kilala sa tawag na “Balik-Probinsya”. 

Si Sittie H. Abedin, mula sa Marawi City, ay nakipagsapalaran sa Floridablanca, Pampanga, kasama ang kanyang pamilya. Ang kanyang asawa ay nagtitinda ng mga sari-saring kagamitan habang siya naman ay nag-a-alaga ng kanilang mga anak. 

Sa kasamaang palad, ang buhay ng kanyang ina ay nasa peligro dahil sa kanyang sakit sa puso. Nais ni Abedin na makapiling muli ang kanyang ina habang ito ay nabubuhay pa. Ngunit sa kalagayan ng kanilang pamilya, hirap din si Abedin na makahanap ng kanyang pamasahe sa pag-uwi nya sa probisnya. 

Humingi siya ng tulong sa DSWD at nakakuha siya ng ayuda para sa kanyang pag-uwi.

Para sa mga nais humingi ng Transportational Assistance, pumunta lamang sa pinakamalapit na DSWD Provincial Extension Office at magdala lamang ng isang Valid I.D, Barangay Indigency Certificate, Social Case Study Report mula sa Lokal na Pamahalaan, Police Blotter at Police Certification (para sa biktima ng pagnanakaw, illegal recruitment at iba pa).

Ang paghingi ng tulong ay minsan lamang sa anim na buwan para sa tulong transportasyon.

Story by Roan A. Pevidal 

###


image_pdfimage_print