Hindi hadlang ang edad upang kumita ng salapi sa isang malinis na pamamaraan. Si Ginoong Antonio M. Delos Reyes, 89 taong gulang at ang kaniyang asawa na si Rosita Delos Reyes, 75 taong gulang ay nakatira sa Brgy Pingit Baler, Aurora. Sa kabila ng kanilang edad ay sinisikap ng mag-asawa na matustusan ang kanilang pang-araw araw na gastusin.

Nakaisip ng magandang produkto ang mag-asawa mula sa ting-ting ng dahon ng niyog, nakabuo ng produktong pangkabuyhayan. Ang mag-asawang Delos Reyes  ay nagsusumikap at nagtutulungan upang mai-angat ang antas ng kanilang kabuhayan at kumita para matustusan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Ang ting-ting na buhat sa dahon ng niyog ay hinulma upang maging basket, trays at bayong.

Noong 2018, isa sa mga nabigyan ng Seed Capital Fund ang mag-asawang Delos Reyes mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP). Sila ay nakatanggap ng Php 15,000.00 upang pang dagdag puhunan at pang bili ng mga gamit para sa kanilang negosyo. Nilalayon ng SLP na mabigyan ng oportunidad ang mga maliliit na negosyante na mapalawak ang kanilang  kabuhayan.  

Ang mag-asawa ay binigyan din ng technical assistance sa larangan ng basic money management at bookkeeping mula sa SLP worker, Nang dahil dito, nagkaroon ng lakas ang loob ang mag-asawa na ipakilala sa mas malawak at malaking merkado ang kanilang mga produkto. Sa kasalukuyan,  ang mga produkto ng mag-asawang Delos Reyes ay inaangkat na sa mga karatig lugar. 

“Bawat oras ay mahalaga, huwag sayangin ang bawat pagkakataon. Magpasalamat tayo sa mga biyayang bigay ng may likha at pahalagahan natin at gamitin sa tamang paraan ang mga tulong na bigay sa atin ng ating gobyerno.” mensahe ni Antonio sa mga kapwa niya benepisyaryo ng SLP.

Story by: Sherwin Verdadero

 ###

image_pdfimage_print