Best Parent Leader from Pampanga (Left) and Aurora (Right) hold hands before the announcement of Best Parent Leader 2019

City of San Fernando, Pampanga – ginanap ang Regional Search for Best Parent Leader ng Gitnang Luzon sa WalterMart, San Agustin, City of San Fernando, Pampanga kahapong ika-4 ng Nobyembre 2019.

Bago ang awarding ay nagkaroon na ng validation ang mga hurado mula sa 4Ps Regional Project Management Office (RPMO). Binisita ng mga hurado ang bawat kalahok sa kanilang tirahan upang piliin ang karapat-dapat sa titulo ng Best Parent Leader. 

Layunin ng aktibidad na kilalanin ang mga natatanging parent leaders na mahusay na gumagampan sa kanilang tungkulin bilang ng bawat parent groups ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). 

The six (6) candidates for the Regional Search for Best Parent Leader of Central Luzon 2019 (From left to right) Zambales, Tarlac, Aurora, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan.

Mayroong anim (6) na kalahok mula sa mga probinsya ng Aurora (Aida D. Origines), Bulacan (Nimfa R. San Pedro), Nueva Ecija (Rosalina M. Dayag), Pampanga (Florentina B. Carpio), Tarlac (Chiqui R. Yamson)  at Zambales (Glen A. Elpus). Ipinakita ng mga kalahok ang kanilang makukulay na kasuotan na siyang nagrerepresenta sa kanilang bawat probinsya. 

Itinanghal na Best Parent Leader si Aida D. Origines ng Aurora, “Ang gusto ko talaga ay maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga kasama ko sa MCCT (Modified Conditional Cash Transfer) – hamon na gusto kong matularan ako ng mga parent leaders,” sabi ni Origines. 

2nd Runner up – Tarlac (Left) Best Parent Leader 2019 – Aurora (Center) 1st Runner Up – Pampanga (Right)

Si Florentina B. Carpio mula sa Pampanga ang First Runner-up at si Chiqui R. Yamson naman ang Second Runner-up. Si Yamson rin ay nanalo ng Best in Creative Wear.

OIC-Division Chief ng Specialized Program Division na si Melanie M. Barnachea deliver her opening remarks

Ayon sa OIC-Division Chief ng Specialized Program Division na si Melanie M. Barnachea, “Hindi madali ang tungkulin na ginagampanan ng mga parent leaders. Sila ang katuwang ng Departamento para makarating ang tulong ng gobyerno sa dapat nitong patunguhan.”

image_pdfimage_print