Idinaos ang kauna-unahang Search for Outstanding Regional Partner na pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Hacienda Gracia Resort, Lubao, Pampanga noong Oktubre 24, 2019.  

Layunin ng aktibidad na ito na kilalanin ang mga natatanging regional partner mula sa ASLP, gayundin upang mabahagi ang mga patotoo ng mga benepisyaryo ng SLP.  

Naparangalan an ATEC Technological College Inc., bilang Outstanding Regional Partner na siyang nanalo ng 1st Place dahil sa kanilang istorya na Makina  at 3rd Place para sa istorya na Haplos ng Buhay. Sinundan naman ito ng Skill and Knowledge Enriching Institute, Inc. bilang 2nd Placer sa kanilang istorya na Cacao

Ito ay isang inisyatibo ng Sustainable Livelihood Program (SLP), katuwang ang Association of Skills Livelihood Providers (ASLP). 

Dinaluhan ito ng National Project Manager ng SLP na si Dir. Restituto B. Macuto, National Project Manager ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program na si Dir. Gemma B. Gabuya at Regional Director ng DSWD Region 3 Marites M. Maristela, CESO III at Regional Director ng TESDA Region 3 Dir. Jesus A. Fajardo.

image_pdfimage_print