PAMPANGA — Matagumpay na inilunsad at ginanap ang kauna-unahang Social Services Conference and Expo (SOCSECON) 2019 sa Robinsons Starmills na pinangunahan ng CLTV36 katuwang ang Area-Based Standards Network (ABSNET) Pampanga Cluster noong ika-22 ng Marso 2019 .

Naging daan ang SOCSECON 2019 sa pagganap ng Likhang Hiraya Photo and Product Exhibit ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Layunin ng aktibidad na ito na maipagmalaki ang mga natatanging produkto na gawa ng mga benepisyaryo ng ahensya at makapagbigay oportunidad sa pagpapalawak ng kanilang merkado. Ang nasabing aktibidad ay naging pagkakataon upang mas mapalaganap ang kaalaman ng publiko sa mga iba’t-ibang serbisyo at programa ng DSWD.

Ilan sa mga produktong nasa exhibit ay ang mga sabutan bags, wallets, place mats at mga tsinelas na gawa ng SLP beneficiary mula sa probinsiya ng Aurora. Mga palayok, tsinelas at ginatsilyong wallet, two-piece swimsuit, blouse at dresses naman mula sa mga benepisyaryo ng Tarlac.Kasama rin sa mga produkto ang mga pinagmamalaking lassa brooms mula sa probinsiya ng Bataan.   

Ginanap ang SOSECON 2019 upang maipakita ang mga pinakamahusay na kasanayan ng mga NGOs, foundations at iba’t-ibang sektor sa gawaing panlipunan na tumutugon sa  pangkalusugan, kapakanan ng mga bata, kababaihan at may kapansanan, edukasyon, kalikasan, at iba pang mga usapin na nakakaapekto sa komunidad at mga bulnerableng sektor ng lipunan. Ang pagpupulong ay parte ng pagdiriwang ng ika-12 anibersaryo ng CLTV36.

Nagbigay ng pambungad na salita ang presidente ng CLTV36 na si Bb. Sonia P. Soto “Ngayong araw na ito ako’y nagpapasalamat ako sa lahat ng mga NGOs na pinangungunahan ng ABSNET, gayundin po ng DSWD sa Region III.” Dagdag pa niya, “Gusto din nating makarinig ng mga tinig ng mga kababayan nating nasa puso ang pinaglalaban, nasa puso ang adbokasiya. I always feel honored and very very happy to be with NGOs.”

image_pdfimage_print