SAN ANTONIO, ZAMBALES —  Kilala ang Bayan na ito sa magagandang tanawin at kanilang mga dalampasigan, kung kaya nabinyagan ito bilang isa sa mga tourist destination ng mga lokal at maging ng mga dayuhan. Napapaligiran ito ng mga naggagandahang isla ng Anawangin, Camara, Capones, Nagsasa, Pundaquit, Silanguin at Talisayin.

Subalit, hindi lamang ito ang natatagong ganda ng bayan ng San Antonio, Zambales, dahil mayroon ding biyayang hatid ang Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program.

46 na benepisyaryo ang nagsipagtapos ng kursong Beauty Care NC II at Dress Making NC II na sumailalim sa pagsasanay katuwang ang partner technological vocational school na ATEC Technological College.

Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng kanilang mga starter kit gaya ng high speed sewing machine at iba pang gamit sa pananahi para sa dress making graduates at foot spa machine at iba pang gamit na pang manicure at pedicure para naman sa beauty care graduates.

Isa sa mga benepisyaryo na si Leticia Molina ang nagbanggit ng kanyang pasasalamat at nag-sabi na “Masaya po dahil nadagdagan ang natutunan namin at yung gamit ko sa pag ho-home service, mas matutugunan ko na po yung request ng mga kliyente ko ngayon dahil meron na akong gamit pang foot spa, at dahil dito mas lalaki pa ang kita ko.”

Dinaluhan din ito ng kanilang punong bayan na si Gng. Estela D. Antipolo kasama ang iba pang punong opisyales ng bayan.

Nangako si Mayor Antipolo na bibigyan niya ng karagdagang puhunan ang mga nagsipagtapos ng dress making at bibigyan sila ng proyekto na pag gawa ng mga souvenirs at eco bag para sa bayan ng San Antonio.

image_pdfimage_print