HAGONOY, BULACAN – 33 benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ang nagtapos ng Dress Making NC II na sumailalim sa dalawampung araw ng pagsasanay. Kaagapay sa kanilang pagsasanay ang mga partner technological vocational institutions na Center for Authentic Learning and Innovations Inc. at Colegio de San Gabriel Arcangel. Nakatanggap ang bawat isang benepisyaryo ng ₱20,000.00, kung saan nakapaloob ang kanilang training fee, allowance at starter kit na may nilalaman na high speed sewing machine at iba pang mga kagamitan sa pananahi.

Apat na natatanging benepisyaryo na sina Mauricia V. Sanone at Rosalinda Laceda ay naparangalan ng Best in Sewing. Habang sina, Derlyn Precious A. Manjares at Amelia Feliciano ay naparangalan naman ng Best in Pattern Making.

Isa rin sa mga benepisyaryo na si Vilma Catajan, ay mangiyak-ngiyak na nagpahatid ng pagpapasalamat. “Maraming salamat sa SLP ng DSWD at nabigyan kami ng karagdagang pangkabuhayan upang sa darating na panahon ay mayroon kaming mapagkukunan ng kabuhayan.”

Dinaluhan ito ng kanilang Mayor Raulito T. Manlapaz Sr. na nagpaabot ng pagbati. Kinatawan din ng Provincial Coordinator na si Edna C. Tulabut ang DSWD SLP. Gayundin, ang Municipal Social Welfare and Development Officer na si Gng. Angelina Dela Cruz ay nagpasalamat sa mga naging parte ng proyekto. “Labis labis pong pasasalamat at kagalakan sa inyong pagtatapos sa umagang ito.” dagdag ni Gng. Dela Cruz.

image_pdfimage_print