Categorized | featured

HALIGI

“Matagal akong naitali sa paniniwalang ang babae ay walang sapat na kakayahan na magtaguyod ng isang pamilya at dapat ay nasa loob lamang ng tahanan at ang magiging buhay ay nakasalalay sa mga desisyon ng ama ng tahanan. Pero ang lahat ng aking paniniwala ay naglaho mula ng lumisan ang aking asawa.” – Mercedita Espinosa

Ang pamilyang Espinosa ay naninirahan sa Barangay Catol, Candelaria, Zambales sa loob ng humigit kumulang tatlumput taon.

Agosto 10, 2014 nang ang kanyang asawa na si Sonny ay yumao sa sakit sa puso na kanyang nakuha simula pa pagkabata. Isa itong maituturing na isang malaking dagok ng pamilya na kung saan ang haligi na magsusuporta sa bawat unos at problemang maaring mahagip ng bawat pagkakataon ay naglaho na. Lahat ng responsibilidad bilang isang ama at ina ay kasalukuyan nang inaako ng ina ng tahanan na si Mercedita Espinosa. Ayon sa kanya,” Mahirap na ang lahat ng responsibilidad ay nakaatang sa akin ngunit pasalamat ako dahil mayroon akong mga anak na napalaki namin ng maayos na syang nagiging sandalan at katuwang sa pang araw-araw naming buhay”. Ngunit sa kabila ng pagiging solo sa pagtataguyod ng kanyang pamilya, hindi ito nagging hadlang upang mas pag-ibayuhin pa ang kanyang pakikipagkapwa-tao.
Si Mercedita ay biniyayaan ng anim ng anak. Ang dalawa dito (Janice at Mary Catherine) ay may kani-kaniyang nang pamilya. Si Murphy, 23 taong gulang ay nakapagtapos nang kolehiyo sa kursong “Bachelor of Science in Secondary Education Major in English” sa ilalim ng programang ESGPPA (Expanded Student Grant-in-Aid for Poverty Alleviation) noong Abril 19, 2018.

Kamakailan lamang siya ay natanggap bilang college instructor ng Microasia College of Science and Technology- Sta. Cruz, Zambales habang naghahanda para sa parating na Let Teachers Board Exam. Si Patrick naman, 19 taong gulang, nasa ika-apat ng taon sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Civil Engineering sa Ramon Magsaysay Technological University (RMTU)- Iba Campus ay kabilang sa iskolar ng AES Philippines na kung saan ang programa ay naglalayon na matulungan ang mga mahihirap na pamilya na may makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo upang makapagbigay ng maayos at mas desenteng pamumuhay. Samantala, sina Jessa Mae, Grade 8 sa Pamibian Integrated School at Sheena Mae, Grade 4 sa Catol Elementary School, mga pawang kabilang sa mga minomonitor na bata ng programa.

Sa loob nang apat na taon, si Mercedita ay nagbibigay ng boluntaryong pagsesebisryoso bilang isang Barangay Health Worker (BHW). Bilang BHW, sinisiguro nila na ang lahat ng bata ay nababakunahan at natitimbang, gayundin sila din ang nagaanunsyo sa mga Senior Citizens na mabibigyan ng bakuna laban sa Flu at Pneumonia. Katuwang din sila ng mga health workers sa pagbahay-bahay sa mga defaulters o yung mga batang hindi nakapunta sa skedyul ng kanilang bakuna. Dagdag pa dito, si Mercedita ay maasahan din ng barangay sa pagmomonitor sa oras ng sakuna at kalamidad sa pamamagitan ng pagtatawag sa kanyang nasasakupang Purok (1 & 2) upang kamustahin ang kanilang kalagayan. Halimba nito ay mga ladlad na kawad ng kuryente at natutumbang puno na kanya namang inirereport sa barangay upang mabigyan ng agarang aksyon. Isa ring aktibong miyembro ng KALIPI si Mercedita na ngkakaroon ng buwanang pagpupulong. Ang mga nasabing aktibidad ay pinatotohanan naman ng Punong Barangay na si Aida E. Eblacas.

Mula taong 2013, si Mercedita ang tumayo bilang Parent Leader ng kanyang grupo na binubuo ng dalawamput anim na miyembro. Ang dalawamput anim na ito ay may kani-kaniyang pag-uugali, may madaling matuto at mayroon din naming hindi, may mga samu’t-saring hinaing at reklamo na kung saan dumating din sa punto na gusto ng isuko ni Mercedita ang kanyang pagiging lider. Ngunit sa halip na sumuko, mas nagpakatatag at mas nagpayabong si Mercedita bilang isang lider. Sa katunayan, taong 2015, nag-umpisa ang kanyang grupo sa kanyang pangunguna ng isang programang tinawag na “4Ps- Balik Biyaya sa Kapwa”. Ang programang ito ay bunga ng pagdalo ni Mercedita sa Active Citizenship Seminar na kung saan nagtulak upang mag-isip sya ng isang produktibong aktibidad na magbabalik ng biyayang kanilang natatanggap mula sa gobyerno. Ang kanilang grupo ay nagaambag-ambag tatlong beses kada taon depende sa kakayanan ng miyembero upang magpakain ng mga estudyante sa Catol Elementary School, miyembero man ng Pantawid o hindi. May humigit kumulang isang daan tatlungput limang bata (135) mula Kinder hanggang Grade 6 ang napapakain tulad ng lugaw at sopas. Dagdag pa dito, nagbigay ang grupo ng dish drainer, isang dosenang plato at mangkok sa eskwelahan noong Marso 2017.

Kasalukuyan, ang pangunahing pinagkukunan ng kita ng pamilya ay mula sa limang daan (Php500) allowance ng BHW, tulong pinansyal mula sa kanyang anak na si Janica at ang kita na magmumula sa pagtuturo ni Murphy ngayong pasukan. Noong 2016, nabigayn ng tulong pinansyal si Mercedita sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program na nagkakahalaga ng limang libong piso (Php5, 000). Ito ay ginamit nya sa pagtitinda ng balot. Dagdag pa dito, sa ilalim ng pondo ng Bottom-Up-Budgeting (BUB), siya din ay nakatanggap ng pitong libo piso (Php7, 000) na ginamit bilang puhunan sa pagtitinda ng gulay, karne, kakanin, chicharon at fish cracker. Dagdag pa dito, noong Hulyo 2017, pinagkalooban siya ng “tribike” mula sa LGU- Candelaria upang magamit niya sa kanyang paglalako ng paninda.

Ayon kay Mercedita, sa tulong ng Programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program, kanyang nasambit na mas lalo niyang napalawak ang kaalaman hindi lamang sa pagtataguyod ng kanyang sarili at pamilya bagkus napaunlad din nya ang pakikipagkapwa-tao. Kung ihahalintulad dati na ang babae ay nararapat lamang na magsilbi sa kanyang pamilya at gumawa ng mga gawaing bahay, ngayon isa sya sa buhay na patunay na ang babae ay mayroong malaking parte at boses sa lipunan. Ang kanyang pakikitungo sa kanyang kapwa ay mas lalong hinasa sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa ibang tao na bilang isang lider, siya ay may responsibilidad sa grupong kanyang hinahawakan.

“Masaya ako dahil kahit ganito lang ako, kahit papano kaya ko din pa lang maging lider. Masarap ang pakiramdam na may mga taong nakikinig sa iyo at kinikilala ka nila bilang lider. Ang simpleng pagtulong sa barangay ang nakikita naming paraan upang masuklian namin ang tulong na aming natatanggap mula sa gobyerno” –Mercedita.

Isinulat ni: Christine Joy C. Lim

#DSWDGitnangLuzon #MayMalasakitSaPamilya #2018NationalFamilyWeek

This post was written by:

- who has written 73 posts on DSWD Field Office III Official Website.

He is the Regional Information Officer of DSWD Field Office III, has earned two bachelor degrees, topped the 2017 Social Work Licensure Examination, and currently pursuing a master degree in Social Work.

Contact the author

Comments are closed.

Transparency Seal

citizenzcharter

eaics_logo

philgeps

Tweets by ‎@dswdfo3


Related Sites

PHVsPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1YS5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8yPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yi5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8zPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yy5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1ZC5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9tcHVfYWRzZW5zZTwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9kaXNhYmxlPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbS9hZHMvMzAweDI1MGEuanBnPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfbXB1X3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9hZHNlbnNlPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX2Rpc2FibGU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHBzOi8vZm8zLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvdXBsb2Fkcy8yMDE3LzAzL2Jhbm5lcl9mbzMucG5nPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdXJsXzI8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb208L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF91cmxfMzwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRzX3JvdGF0ZTwvc3Ryb25nPiAtIHRydWU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hbHRfc3R5bGVzaGVldDwvc3Ryb25nPiAtIGRlZmF1bHQuY3NzPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYXV0aG9yPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hdXRvX2ltZzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fY3VzdG9tX2Nzczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2N1c3RvbV9mYXZpY29uPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVhdF9lbnRyaWVzPC9zdHJvbmc+IC0gU2VsZWN0IGEgbnVtYmVyOjwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlYXR1cmVkX2NhdGVnb3J5PC9zdHJvbmc+IC0gU2VsZWN0IGEgY2F0ZWdvcnk6PC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVlZGJ1cm5lcl9pZDwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlZWRidXJuZXJfdXJsPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZ29vZ2xlX2FuYWx5dGljczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWVfdGh1bWJfaGVpZ2h0PC9zdHJvbmc+IC0gNTc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19ob21lX3RodW1iX3dpZHRoPC9zdHJvbmc+IC0gMTAwPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29faW1hZ2Vfc2luZ2xlPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19sb2dvPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cHM6Ly9mbzMuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC91cGxvYWRzLzIwMTcvMDMvcnN6X2ZpbmFsX2xvZ29fZHN3ZC5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19tYW51YWw8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vc3VwcG9ydC90aGVtZS1kb2N1bWVudGF0aW9uL2dhemV0dGUtZWRpdGlvbi88L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19yZXNpemU8L3N0cm9uZz4gLSB0cnVlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvcnRuYW1lPC9zdHJvbmc+IC0gd29vPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd19jYXJvdXNlbDwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd192aWRlbzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2luZ2xlX2hlaWdodDwvc3Ryb25nPiAtIDE4MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3NpbmdsZV93aWR0aDwvc3Ryb25nPiAtIDI1MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RhYnM8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RoZW1lbmFtZTwvc3Ryb25nPiAtIEdhemV0dGU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb192aWRlb19jYXRlZ29yeTwvc3Ryb25nPiAtIFNlbGVjdCBhIGNhdGVnb3J5OjwvbGk+PC91bD4=