Sec

City of San Fernando, Pampanga – Dumalaw si DSWD Secretary Judy M. Taguiwalo sa DSWD Field Office III kahapon, October 19, upang siguraduhing handa ang ahensiya sa mga posibleng epekto ng Bagyong #LawinPH.

Pinangunahan ng kalihim ang puspusang pagplaplano para sa darating na bagyo. Ayon sa kanya, huwag limitahan ang pangangalap ng datos ng mga nasalanta sa numero o statistics ng mga biktima at nangangailangan ng tulong. Bilang social workers, dapat ay alamin natin ang kalagayan ng mga biktima at ng kanilang mga pamilya upang maibigay ang kanilang pangangailangan.

Ang ahensya ay nagbibigay ng mga family packs, food items, at non-food items sa mga kababayan nating direktang apektado ng bagyo. Bukas din ang mga evacuation centers ng lokal na pamahalaan para sa mga mamamayang kinakailangang lumikas sa kani-kanilang tahanan.

Isa rin sa mga binigyang-diin ng kalihim ang paninigurado ng kalagayan ng mga kawani ng DSWD na nasa Quick Response Team (QRT).

Isa ang Region 3, partikular na ang Northern Aurora, sa mga lugar na madadaanan at makakaranas ng hagupit ng Bagyong Lawin. ### (Ma. Dennielle M. Lomboy)

image_pdfimage_print