City of Malolos, BULACAN – 3,981 benepisyaryo ng Unconditional Cash Transfer (UCT) – Listahanan ang nakatanggap ng ayuda na nagkakahalaga ng P3,600.00 para sa ikalawang taon ng implementasyon nito. Ginanap ang payout sa City of Malolos, Bulacan, ika-9 ng Nobyembre 2019.

Para sa batch na ito, nagmula ang mga benepisyaryo sa mga bayan ng Baliuag, San Miguel, Guiguinto, Calumpit, Malolos, Paombong, Pulilan, at Plaridel.

Ayon kay Jose Santos Jr., 60, isang benepisyaryo mula sa Baliwag, Bulacan, gagamitin nya ang natanggap na ayuda pambili ng pagkain, gatas at vitamins, “May mga pagkakataon na dalawang beses lang kami nakakakain, kaya maipambibili ko ito ng pagkain, gatas at vitamins.”

Si Remedios Elpos, 64, isa ring benepisyaryo, ay nagpahayag ng kanyang kagalakan sa kanyang natanggap na ayuda na makakatulong nang lubos sa edukasyon ng kanyang mga apo, “Nagagalak ako na maibibili ko ng notebooks at gamit sa eskwela ang aking mga apo.”

Ang aktibidad ay matagumpay na naidaos sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development Region III, Landbank, Provincial at Local Government Units.

Dinaluhan ito ni DSWD USec. Florita R. Villar, Rehion III Director Maristes M. Maristela, 4Ps National Program Manager Gemma B. Gabuya, Rowena J. Tiongson – PSWDO, at Landbank First VP Sylvia C. Lim.

Ang UCT ay tulong pinansyal na kaakibat ng TRAIN law upang makatulong sa mga pamilyang mahihirap na lubos na naapektuhan ng pagtatas ng presyo ng mga bilihin.

Story by Nielady Gianina Cacanindin

image_pdfimage_print