Idinaos ang back-to-back na aktibidad ng Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng Kapit Bisig Laban Sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) sa Subic Bay, Zambales.

Ang KALAHI-CIDSS Regional Community Volunteers Congress at Bayani Ka! Awards ay taunang idinadaos para bigyan ng mataas na parangal ang ating mga community volunteers at para bigyan sila ng pagkakataon na ipahayag ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagkulay at paglikha ng awitin. 

Dinaluhan ito ng Assistant National Program Manager ng KALAHI-CIDSS na si Ms. Ma. Consuelo Acosta, DSWD Region 3 Regional Director Venus F. Rebuldela at ng Local Chief Executives at ng iba pang partner stakeholders ng KALAHI-CIDSS. 

Nagbigay ng mensahe ng pasasalamat at inspirasyon si Dir. Venus F. Rebuldela, “Aking inaasahan bilang Regional Director po ng  Field Office III, Kayo po ang mangunguna sa pagbabago at pag aadvocate ng pagbabago sa inyong komunidad. Nandito lang po kami lagi sa tabi niyo para kayo po ay alalayan at bigyan ng guidance para mas mapaganda panatin ang implementasyon ng KALAHI-CIDSS”

image_pdfimage_print