Laur, Nueva Ecija – Magkasunod na na-i turn over ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 3 sa pamamagitan ng Kapit Bisig Laban Sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) ang dalawang subprojects sa dalawang barangay ng Laur, Nueva Ecija.

Isang unit ng High School Classroom Building sa Barangay San Isidro na nagkakahalaga ng ₱1,549,123.47, (₱1,084,386.43 ang mula sa DSWD KALAHI-CIDSS at ₱464,737.04 mula sa lokal na pamahalaan ng Laur.) at isang unit ng Day Care Center sa Barangay San Josep na nagkakahalaga ng ₱1,455,085.18 (₱571,445.33 ang mula sa DSWD KALAHI-CIDSS, ₱845,356.25 mula sa lokal na pamahalaan ng Laur at ₱38,283.60 naman sa Barangay ng San Josep).

Sa ngalan ni Regional Director Jonathan V. Dirain, dinaluhan din ito ng Area Coordinating  Team ng KALAHI-CIDSS, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Laur sa pangunguna ni Municipal Mayor Atty. Christopher “Tupe” B. Daus. Kasama rin sa magkasunod na seremonya ang Municipal Social Welfare and Development Officer. Jezreel DF. Talanay, San Isidro Brgy. Captain Amado Galvez, San Josep Brgy. Captain Philip Fuertes, mga konsehal ng dalawang barangay at mga community volunteers.

Lubos ang pasasalamat ni Mayor Daus sa proyekto na binaba ng programa, “Pinaparating ko po ang pasasalamat dahil sa tulong po ng DSWD KALAHI-CIDSS ay unti-unti may nangyayaring pagbabago sa ating bayan.”

Layunin ng KALAHI-CIDSS na bigyang pagkakataon ang mga komunidad na magdesisyon, magplano, at magbigay priyoridad ng mga problema sa barangay na patunay sa pagkakaroon ng pagbabago at kaunlaran sa kanilang mga komunidad.

image_pdfimage_print