Ibinahagi ni Jerome Guese, 23, taga-Arayat, Pampanga, ang kanyang naging journey sa pagiging bahagi ng Pag-Asa Youth Association of the Philippines (PYAP) Region III Federation.
Tulad ng maraming kabataan, hindi naging madali para kay Jerome ang magtagumpay, “ang aking ama ay walang regular na trabaho, pagsasaka at pagkakarpitero ang bumubuhay at sumusuporta sa pag-aaral naming mga magkakapatid. Nagsumikap po sila para mapatapos kami ng aming mga kapatid,” aniya.
Naging bahagi si Jerome ng PYAP na naging daan upang maging isa siya sa mga napinili sa Government Internship Prgram ng DSWD kung saan magkakaroon sila ng exposure sa pagtatrabaho sa pamahaalan na may kapalit na tulong pinansyal para sa kanilang pag-aaral, “pumasok ako bilang isang Government Internship sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development doon nakilala ko ang mga iba’t ibang kabataan na katulad ko na gustong makapag tapos ng kanilang pag-aaral, at naniniwala na walang imposible kung magsusumikap ka.”
Kasabay nito, iba’t-ibang trabaho rin ang pinasukan ni Jerome para lang makatulong sa kanyang pag-aaral, “nagtrabaho din po ako sa isang event organizer team tuwing sabado at linggo para maka ipon ng aking baon.”
Fast forward, maraming opportunidad ang naitulong sa akin ang PYAP, iba’t ibang trabaho ang aking tinanggap kahit ako ay isang estudyante pa lamang Unti-unti, nakita ko ang aking mga pinaghihirapan para ako ay makapag tapos ng aking pag-aaral. Sa parehong taon, nakapag tapos ako, hangggang sa kinuha ako bilang isa sa mga empleyado sa kanilang tanggapan. Through my capabilities and experiences, I was selected as the youth focal person in the Municipality of Arayat, nilaan ko ang aking kakayahan upang hikayatin ang mga kabataan upang palawakin ang kanilang kaalaman kung ano ang PYAP at tulungan hanggang sa aking makakaya, tulad ng kung paano ako nag umpisa sinama ko sila sa iba’t ibang programa, meetings, at event ng PYAP.”
“Pinagsabay ko ang aking trabaho at pag rereview. Maramimg hirap pa ang aking hinarap dahil hindi naging madali upang pagsabayin ang aking review at trabaho, dahil nakikita ko ang paghihirap ng aking ama kung paano kumita ng perang pang-baon sa aking mga kapatid.
September 27, 2022 nag bunga lahat aking pag sisikap, isa ako sa mga pumasa bilang isang Registered Social Worker. Masayang masaya ako dahil alam ko na mas makakatulong ako sa aking pamilya at unti unti ng matutupad ang aking mga plano para akin, at sa aking mga magulang.
Pero minsan akala natin ay panalo na tayo, ito ang umpisa ng mga karamdaman ng aking tataydahil sa hindi birong pagod na kanyang dinaranas sa pagta-trabaho. Kasabay nito, dalawa sa aking mga kapatid ay tumungtong ng college, gumawa ako ng paraan upang makatulong sa aking mga magulang sa pag-aaral ng aking mga kapatid. Sinubukan kong mag apply sa ahensya ng DSWD RO III para sa mas magandang oportunidad, at sa katunayan, malaking tulong na ako’y naging parte ng PYAP dahil nakatulong ito bilang advantage kahit kakapasa ko lamang sa board exam. Now, I am currently employed in DSWD RO III as Porject Development Officer II under Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Maraming hirap pero, through hardwork and determination, nothing is impossible. You can do it, and today is your time to build the tomorrow what you want. Muli, maramimg salamat PYAP.”
image_pdfimage_print