Kabahagi ang Deparment of Social Welfare and Development (DSWD) Region 3 sa pagdiriwang ng 49th Founding Anniversary ng Pag – Asa Youth Association of the Philippines (PYAP) na ginanap sa SM Pampanga.

Ang anibersaryo ay may temang “Pagpapahalaga ng Bawat Kabataan sa Kalusugang Pangkaisipan Tungo sa Matiwasay na Kinabukasan”.

Parte ng mandato ng DSWD na suportahan ang mga Non-government organizations katulad ng PYAP na naglalayong tulungan ang mga disadvantaged youth, na malayo sa mga bisyo at ‘di magagandang gawain.

Mahigit 220 na kabataan ang dumating galing sa ibat ibang lalawigan ng ikatlong rehiyon.

Pinangunahan din ni Regional Director Jonathan V. Dirain ang pag Oath Taking ng mga newly elected officer ng PYAP ma sina Noel Abraham – President,  Kris Angeles – Vice President, Mr. Christian David – Secretary, Madelaine Catusalem – Assistant Secretary, at Jenica Capulong – Business Manager

Dinaluhan ang pagdiriwang nina Peace Corps Philippines volunteers Dr. Aida Lapira at Brian Smith,

Nagpaabot ng pasasalamat si  Regional Federation President Roel Abraham , “Maraming maraming salamat po sa mga opportunity na ibinibigay niyo sa aming kabataan at sa Pag-Asa Youth Association . Kayo po ang pangalawa naming tahanan na dumidinig at tumutulong sa mga kabataan higit lalong lalo sa proyekto ng Pag-Asa Youth Association”.

 

image_pdfimage_print